‘Ritwal’ ng mga estudyante para sa kanilang guro sa Teachers’ Day, nagpatawa online

Ipinakita ng isang klase sa TikTok na maraming paraan ng pagbati para sa Teachers' Day at isa na riyan ang mala-ritwal at misa na sorpresa para sa kanilang guro.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Isang klase ang nag-viral sa social media kamakailan matapos gumawa ng kakaibang paraan ng pagbati sa kanilang guro para sa Teachers’ Day.

Sa video na in-upload ng estudyanteng si @‌kianaleksei_, makikitang nakahanay ang mga kaklase sa dalawang linya habang may hawak sila ng mga nakasinding kandila.

May isang estudyanteng nagsilbing tagapamuno, at matapos ang bawat mensahe ng pasasalamat para sa kanilang titser na si si Sir Josh ay sabay-sabay na tumutugon ang iba pa.

May bahagi rin ng video na tila “alay,” kung saan isa-isang lumapit ang mga estudyante upang ilagay ang kanilang mga regalo sa lalagyan ng kanilang guro. Sa halip na mabigla

Mayroon pang pag-aalay na parang nasa misa kung saan lumapit ang mga estudyante at inilagay ang kani-kanilang mga regalo sa dalang lalagyan ng kanilang guro. Sa halip na mabigla, natawa na lamang si Sir Josh sa creative surprise ng kanyang klase.

@kianaleksei_ HAPPY TEACHER’S DAY SIR!!! #fyp #teachersday ♬ original sound – Kian. – kianaleksei_

Nag-ani rin ng iba’t ibang reaksyon ang video mula sa netizens:

“ano yan, sakripisyo? 😭😭”

“‘Salamat, Sir Josh. Nawa’y hindi ka mapagod sa amin. Tugon?’😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭”

“na para bang sinusumpa niyo si sir??”

“May script pa yan sa sahig HAHAHA”

“parang ia-alay lang e HAHAHAAHAHAHAAHHAAHAHAHAHHAHAHAHAHAH”