Madalas ay tahimik lang magmahal ang mga ama sa anak pero ramdam ito sa maliliit na bagay, tulad ng simpleng tanong kung gutom ka ba at kung anong oras mong gustong kumain.
Ito ang kinaantigan ng maraming netizens sa isang TikTok video na ibinahagi ni Janice Rivera, kung saan tampok ang screenshot ng kanilang text convo ng kanyang tatay.
Sa mga mensahe, makikitang nag-alok ang ama na ipagluto siya ng sandwich at binigyan pa siya ng mga options kung ham-egg-cheese, bacon-egg-cheese, o hotdog-egg-cheese ang gusto niyang combo.
Hindi dito nagtapos ang lambing ng ama dahil tinanong pa nito kung anon goras niya type ipadala ang pagkain para masigurong mainit-init pa pagdating.
Matapos niyang masabi ang oras, sumagot naman ang papa niya na mahal na mahal siya nito. Dahil dito, maraming TikTok users ang naging emosyonal at napa-relate sa ipinakitang pagmamahal ng ama sa anak.
“oh you’re rich RICH”
“I missed my papa 😭”
“Your dad set the standard for how a man shouls treat you 😊”