Para sa mga “Incognito” fans, isa sa pinakaaabangang dynamic ng action serye ay sa pagitan nina JB (Richard Gutierrez) at Greg (Ian Veneracion) bilang leader at co-leader ng grupo.
Sa panigin ng marami, napakaganda ng rapport ng dalawang ABS-CBN stars lalo na sa mabibigat na eksena na kailangan ng matindihang aksyon at drama.
Lingid sa kaalaman ng marami, nagkatrabaho na ang dalawa noong sila ay child stars pa lamang.
Naglabas ng resibo ang Kapamilya ng network kung saan ipinakita ang isang lumang clip ng pelikulang “One Two Bato, Three Four Bapor,” na ipinalabas noong 1998. Game naman itong ni-recreate ng dalawang “Incognito” stars sa set ng kanilang action serye.
Natuwa ang mga fans na reunion pala ng dalawa ang “Incognito” 37 years mula nang una silang magkatrabaho. At ang obserbasyon ng marami, pogi pa rin ang dalawang stars at never man lang nakaranas ng awkward stage.
“Luge sa dalwang to, di man lang naranasang maging pangit 😂😍”
“So cute ni Richard at that age ang galing umarte na”
“Napanood ko tong movie na ito One Two Bato, Three Four Bapor andito din sila Romnick at Sheryl”
“❤️❤️❤️ang chubby pa ni Richard at ang pogi ni Ian,pinanood ko ito noon. 😂😂😂Same dialogues nila noon at ngayon”