Resbak ni Nadine Lustre sa “estetik” trip ng kanyang mga fans, bongga!

Dahil sa kung ano-anong pinagbibintang ng mga fans na pinagtatatanggal niya sa pic para sa estetik na Instagram, minabuti na lang ni Nadine Lustre na hindi isama ang sarili sa kanyang IG post.
Found this article interesting? Help others discover it too!

May nakakatawang resbak si “President” Nadine Lustre sa kanyang mga fans na pinagkakatuwaan ang kanyang mga estetik na posts. Pinatunayan ng reyna ng curated Instagram feeds ang kanyang sense of humor nang mag post ito ng larawan na hindi siya kasali.

Matatandaang sa mga huling mga posts ni Nadine ay kung ano-ano ang sinasabi ng mga netizens na ginagawa niya para manatiling estetik ang kanyang Instagram feed.

Naroong pinatanggal daw niya ang pintura at mga signs sa backdrop para maperpekto ang shots at mayroon ding ilan na panay pa ang tag sa kanya sa kanilang makukulit na entries.

Dahil mukhang napagod na si Nadz sa kasasagot, siya na mismo ang kusang hindi sumama sa picture para maging estetik ito.

“Hilo na me. di ko na sinama sarili ko para estetik”

Tawang tawa naman ang mga kaibigan at mga fans sa kanyang naging sagot sa estetik trend. Hindi pa din naman sila tumigil mag-comment ng mga nakakatawang estetik theories.

“Si nadine ang lilinis ng mundo para estetik”

“wala nako maisip bahala kana mhie basta estitik pa rin naman yan sha”

“pinilay ang puno para estetik”