Umulan na naman ng kilig sa social media sa bagong interview ng mag-asawang TJ Monterde at KZ Tandingan kay Karen Davila.
Kahit pareho na ng level ng kasikatan ang “Palagi” couple ngayon, nagkaroon din kasi ng pagkakataon noong nagsisimula pa lang sila bilang mag-asawa na mas nag-struggle si TJ na mag-provide sa kanilang pamilya.
Aniya, bilib siya sa kanyang asawa dahil kahit noon pa man ay never nitong ipinaramdam sa kanya ang pressure para mag-provide sa kanilang pamilya. Kahit na sa panahong mas marami itong naiaambag sa kanilang gastusin ay never itong ipinamukha kay TJ na mas nakakaangat siya sa kanilang relasyon.
“Minsan humihingi ako ng pasensya, ‘Babe, sorry ah, alam mo na.’ Kasi bumili kami ng bahay, wala akong masyadong ambag dun sa binili naming bahay. Yung sa akin lang, parang minsan kuryente, tubig. Magkano lang naman ‘yun? Parang lagi kong inaano, ‘Lord, pang-kuryente at tubig na lang ba talaga ako dito? Paano kaya ‘to, Lord? Paano ko kaya maaabot yung ako naman ang magbabayad ng monthly namin na malalaki or magbabayad ng kotse, ganun? Pero she never made me feel that way.” paliwanag ni TJ.
Aniya, malaking bagay din ang tiwala ng kanyang asawa na makakamit din niya ang tagumpay sa kanyang career at handa itong sumuporta sa kanyang pangarap.
“Lagi niyang sinasabi sa akin, ‘Okay lang, maano yan, darating yung time na ano naman.’ May tiwala talaga siya sa akin. ‘Darating ‘yung time na ano naman, sure ako, maano mo yan,’” aniya.