Relate! ‘Golden’ parody song ni Mariel Pamintuan tungkol sa flood control scandal, nagpaiyak-tawa

Natuwa ang mga fans ng influencer na si Mariel Pamintuan sa kanyang parody song na sumasapul sa mga korap.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Imbes na makunsumi sa kabilaang hearing kung saan patuloy ang turuan ang mga kawani ng DPWH at mga big-time contractor hinggil sa mga ghost flood control projects at paglulustay sa kaban ng bayan, minabuti na lang ng isang content creator na gumawa ng parody song tungkol dito.

At dahil hindi pa rin napataob ni Jose Mari Chan ang pamamayagpag ng hit song na “Golden” mula sa “KPop Demon Hunters, ginamit ang harmony nito para sa relatable na kanta ni Mariel Pamintuan.

“Bilyon-bilyon na kurakot, Oh, nasaan na napunta, baby? Kinubra na ng mga kurakot, Kaya baha sa aming place,” litanya ng lyrics ng kanta.

But wait, there’s more. Dahil ang chorus, mas sapul. “We’re going up, up, up, Mga korap-rap. Panalo lag isa bidding, basta may hati si bossing. Up up up din ang baha, buti pa sa ibang country. Di tulad dito daming ganid.”

Naikembot pa ng song ang pighati ng mga working class na panay ang kayod para matustusan ang kanilang pang araw-araw na pangangailang, mistulang mag-overtime at kumayod para laman lustayin ng mga nepo babies.

Ang mga kapwa Pinoy sa comments, humanga sa creativity ni Mariel pero todo relate din sa kanyang kanta.

“Nakakatawa ka pero bakit naiiyak ako sa lyrics”

“HAHAHA bakit naiiyak ako”

“Louder! Gising nga kapwa ko Pilipino.”

“10min palang lss na”