Relatable FOMO moment ng pasahero habang nasa road trip, viral sa TikTok

Patok ngayon sa mga netizens ang relatable na paglingon ng isang TikToker habang nasa passenger’s seat at kunwaring sinisilip ang katuwaan ng mga madalas umuupo sa likuran ng sasakyan.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Viral ngayon sa TikTok ang maikli at relatable na video kung saan tampok ang pagfo-FOMO habang nasa road trip ng mga nakasakay sa passenger’s seat tuwing nagkakatuwaan ang mga nakaupo sa likod.

Ang nakakatawang skit ay ang bagong paandar ni Romeo Gulla, o mas kilala bilang “Meong,” na nagpasaya sa mga netizens at umani ng libo-libong views at reactions na karamihan ay puno ng tawanan.

“Nasa harap yung nakakatawa boss e”

“tas pag pauwi na biglang tahimik noong naglipat ka sa likod te”

“tapos ikaw pala pinaguusapan e”

@meongliit01

Nubayan

♬ original sound – Tina 🫶🏻


Madalas ay humor at confidence ang laman ng mga video ni Meong, kung saan tampok ang kanyang pagiging “pogi,” na isa ring running joke na patok sa kanyang followers.

“at least pogi ang nasa unahan”

“Debale pogi ka naman”

“gwapo ng nasa harapan ah”