Reklamador yarn? Madaldal na pusa, tumatalak sa kanyang amo tuwing uuwi ng bahay

Tila ipinaglalaban ng isang pusa ang kanyang karapatang kumain sa tamang oras dahil panay ang reklamo nito sa kanyang amo tuwing uuwi ito.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Para sa mga nag-aalaga ng pusa, natural lang ang inklinasyon na makipag-usap sa mga ito lalo na at ang kanilang mga ngiyaw ay nagbabago ng tono na akala mo ay nakikipagkwentuhan sa tao.

Sa isang post ng Optimus Bell, natuwa ang mga animal lovers sa estilo ng isang pusa tuwing uuwi ng bahay ang kanyang furparent.

Bukod sa cute na, ang matalinong muning ay tila nagrereport sa kanyang furparent kung ano ang lahat ng nangyari sa bahay habang siya ay wala.

Ang interpretasyon naman ng ilan, nagrereklamo ang pusa sa haba ng panahon na nag-iisa siya sa bahay.

Marahil ay kinulang ang iniwang pagkain ng kanyang bossing kaya’t nagutom na ang pusa.