Ready sa almusal! Mamahaling water bottle, walang binatbat sa klasik na thermos na bitbit ng isang estudyante

Kahit buong klase pwede magkape sa dalang thermos ng isa nilang kaklase.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Hindi sa presyo makikita ang kapakinabangan ng mga bagay, dahil minsan ang mga klasik na gamit ay mas may laban pa sa mga bagong uso.

Sa isang eksena sa eskwela, pinatunayan ito ng magkaklase kung saan ang isa ay todo labas ng mamahaling water bottle na usong-uso sa mga kabataan ngayon.

Ngunit kahit gaano pa kamahal ang kanyang water bottle, hindi pa din ito umubra ng maglabas ng mug at kutsarita ang kanyang kaibigan, at dinagdagan pa ito ng isang pakete ng Milo. Kalaunan, naglabas na din ito ng literal na thermos na kasyang kasya kahit buong klase pa ang magkape.

Dahil hindi kinaya ay minabuti na lang ng estudyanteng may Aquaflask na mag-walk out na lamang.

Tuwang-tuwa naman ang mga netizen sa nakaisip ng gimik na ito.

“Back out-back out.”

“Sunod takure dal a sir”

“Walk out si aqua flask”

“Ahahhaha Thermos is life!..”