Ready na para kay twinny: Mikee Quintos, handa nang maging ‘Best Woman’ sa kasal ni Mikoy Morales

Napaiyak na lang si Mikee Quintos nang ibigay sa kanya ni Mikoy Morales ang karangalang karaniwang naka-reserve para sa Best Man.

Naging emosyonal si Mikee Quintos nang mapili siyang Best Woman sa kasal ng matalik na kaibigan na si Mikoy Morales sa kanyang fiancée na si Isa Garcia.

Sa isang TikTok post, kitang-kita ang kanyang reaksyon nang buksan niya ang special invitation sa kanya ng kanyang kaibigan.

Sa kanyang letter, sinabi ni Mikoy na si Mikee ang gusto niyang tumindig sa kanyang tabi dahil ito ang taong never siyang iniwanan sa lahat ng unos ng kanyang buhay.

Kahit karaniwang Best Man ang katabi ng groom sa altar, this time ay willing baliin ni Mikoy ang tradisyon upang ibigay ang karangalan sa taong pinaka-deserving nito.

“I found her, Mikee. You’ve seen me at my lowest, you’ve seen me at my best, and you’ve seen how it all played out with Isa. Make sense, ‘no? Ikaw pinaka nakakaalam niyan,” sabi ni Mikoy sa kanyang sulat.

“Heto na. Jump with me on this one? Will you be my ‘best woman?’” Mikoy asked.

Siyempre, hindi naman binigo ni Mikee ang kanyang kaibigan.

@mqquintos My reaction to @Mikoy Morales asking me to be his BEST WOMAN for #isakoy2026 ♬ original sound – Mikee