Sa kaunahang Filipino Music Awards, isa sa naging highlights ay ang performance ng Ben&Ben ng kanilang kantang collab song na “Kapangyarihan” kasama ng SB19.
Naging napaka-powerful ng performance na talaga namang pinag-usapan ng mga fans dahil ramdam na ramdam ng audience ang gigil sa bawat bitaw ng lyrics ng kanta.
Ang “Kapangyarihan” ay isa sa mga naging anthem ng maraming Pilipinong nakikibaka para sa pagbabago sa gobyerno at lumalaban para mapanagot ang mga nasa kapangyarihan na patuloy na umaabuso sa pondo ng taong bayan.
“ramdam ko yung gigil nyo”
“Great performance Ben&Ben & SB19, congratulations! Sana marinig ng mga nakapwesto na mamamayan ang nagluklok sa kanila kaya dapat mamamayan ang unahin at paglingkuran. LOUDER PLEASE!!!”
“napakagandaaaaaa! sumasalamin sa laman ng puso ng bawat Pilipino.”