Rambo Nuñez, may sweet na message kay Maja Salvador tungkol sa pagiging ina

Hindi pinalagpas ng negosyanteng si Rambo Nuñez ang birthday ng kanyang asawa nang hindi nito nasasabi kung gaano siya ka-thankful sa pagiging mabuting wife at mother nito.

Doble and selebrasyon ng pamilya nina Rambo Nuñez at Maja Salvador sa taong ito dahil bukod sa birthday ni Maja, ito rin ang unang kaarawan niya bilang isang ganap na ina.

Hindi naman pinalagpas ni Rambo ang pagkakataong bigyan ng tribute ang kanyang asawa sa social media. Sa kanyang Instagram post, sinabi niyang kulang ang mga salita para sabihin kung gaano siya ka thankful sa pagiging mabuting mommy ni Maja sa kanilang baby na si Maria.

Pinasalamatan din niya si Maja sa pagiging the best na asawa, at mapagmahal na kaanak sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Kilig naman ang friends and fam ni Maja sa sweet birthday tribute ng kanyang hubby kaya’t umulan din ng pagbati sa kanyang feed mula sa mga taong nagmamahal sa kanya.