Raffle winner ng TV sa Christmas party na problemado sa pag-uwi ng premyo, kinaaliwan sa TikTok

Iniisip ng isang babae na nanalo sa major raffle ng kanilang Christmas party kung paano niya maiuuwi ang napanalunang telebisyon.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Isa sa mga pinakainaabangan tuwing Christmas party ang major raffle, pero para sa isang babaeng nanalo, may kasamang plot twist ang saya at swerte.

Sa TikTok video ni Dons (@donabeybs ), makikita ang dalawang lalaki na pinagtutulungan buhatin ang brand-new TV na napanalunan niya sa major raffle palabas ng gym ng De La Salle University – Dasmariñas. Ang catch: wala siyang sasakyan para iuwi ang premyo.

“Yung commute ka lang papunta tapos nabunot ka sa Major raffle,” ani uploader sa video.

@donabeybs

♬ Jet2 Advert – ✈️A7-BBH | MAN 🇬🇧

Aliw at sabay manifest naman ang mga netizens sa comment section. Marami ang humirit na ready sila tanggapin ang ganitong struggle, habang ang iba naman ay nagbigay pa ng creative suggestions kung paano maiuuwi ang TV.

“Gusto ko yung gantong problema”

“GANYAN LANG TINATANGGAP KONG PROBLEMAAA KAHIT MAG GRAB PA AKO NIYAN”

“Buhatin mo daw dona sabay naka angkas ka sa motor hahaha”

“Sabi ko sa asawa ko sana mabunot siya sa Raffle sa December 19. 😆😆😆😆”