R u ready? Pasilip sa mga pagsasanay na ginagawa ng new hires para sa Christmas party, wagi na netizens

Found this article interesting? Help others discover it too!

Dahil papalapit na ang Pasko ay panahon na din para magsanay ang mga new hires para sa Christmas party.

Karaniwan kasi ang mga bagong salta sa mga kumpanya ang “inaalay” ng kanilang mga seniors sa mga programa at pakontes ng kanilang kumpanya.

Tiyak na alay dignidad ang peg ng mga newbies na napipilitang mag-perform ng pinaka-latest TikTok dance craze para maipanalo ang kanilang team para sa premyo at bragging rights.

Kaya naman ang comedy vlog na FTTM, naisipang ipakita ang posibleng mga pagsasanay ng mga new hires ng mga kumpanya lalo na sa mga pinakasikat na banger tulad ng “APT” nina Bruno Mars at Rosé.

Relate na relate naman ang mga netizens dito:

“Magpraktis na ng dance steps ng Pantropiko at Salamin Salamin.”

“Ate, may naalala ba kayo? emz HAHAHAHAHAHAHAHAHAH”

“Ako na laging exempted kasi magdo-docu.”

“*interns* Maawa pu kau samin”

“Kaya para sa mga new hires, may the odds be ever in your favor.”