Queen of Balance! Miss Universe Philippines Chelsea Anne Manalo, may nadiskubreng bagong talent

Kahit na muntikan nang mahulog ang kanyang bagong korona, poised na poised pa din ang bagong Miss Universe Philippines na si Chelsea Anne Manalo.
Found this article interesting? Help others discover it too!

May nadiskubreng bagong talent ang Miss Universe Philippines 2024 winner na si Chelsea Anne Manalo ng Bulacan dahil nag viral siya sa mala-Pandanggo sa Ilaw niyang pagbalanse ng kanyang bagong korona.

Kinagiliwan ng mga X users ang isang video clip kung saan ipinasa na ni outgoing Miss Universe Philippines Michelle Dee ang korona kay Manalo pero dahil hindi ito naipatong ng maayos ay kailangan itong balansehin ng bagong Miss Universe Philippines sa kanyang ulo.

Kitang-kita din ang pagka-poise nito kahit na halatang nahihirapan itong hindi mahulog ang korona habang inaayos ni Michelle ang kanyang sash. Hindi din naalis sa mukha nito ang ngiting bitbit niya mula sa simula ng kumpetisyon.

Panay naman ang kantiyaw ng mga netizens sa tila lutang na moment ni Michelle Dee na nakabawi din naman nang balikan niya ang ulo ni Chelsea para ikabit ng maigi ang kanyang Miss Universe Philippines crown.