Pwedeng mag Minecraft? Mga estudyante sa Finland gumagawa ng assignments habang naglalaro

Sa isang ulat ng BBC, ipinakita kung paanong ginagamit ng mga teacher sa Finland ang larong Minecraft para magturo at mang engganyo ng mga bata sa aralin.

Sa iba’t ibang bansa, may kanya-kanyang pamantayan ng edukasyon, pero sa bansang Finland, maging ang mga online games ay ginagamit sa paaralan para sa mga aralin ng mga bata.

Sa kanyang feature report sa BBC, ipinakita ni Darren McGarvey kung paanong ang larong Minecraft ay ginagamit ng mga guro upang magturo ng kanilang mga leksiyon. Sa loob ng isang Minecraft world ay naroon ang lahat ng mga estudyante na binigyan ng kanya-kanyang task ng kanilang teacher. Nasa loob na rin ng laro ang listahan ng activities na kailangan nilang gawin.

Sa ganitong paraan, nagtutulungan ang magkakaklase at nag i-interact sa virtual world habang ang kanilang teacher ay nag mo-monitor.

Ani ng kanilang guro, hindi din uso ang pagtawag sa kanila ng sir o teacher pero nararamdaman niya ang paggalang ng kanyang mga estudyante sa kanya. Aniya, bukod sa outline ng mga aralin, kanya-kanyang diskarte din ang mga teacher kung paano nila ituturo ang leksiyon sa mga bata.

“I have big freedom, Nobody says what to do. Like there’s curriculum and there’s themes and after that, its my decision. I feel really proud to be a teacher and I feel respected from the kids, my pupils, and parents and of course, my co-teachers,” aniya.

Galing, diba? Mapapa-sana all na lang tayo.