Pwede pati kalabaw! Mga kariton na hila ng kalabaw, nakapag order pa din sa Jollibee drive-thru

Kahit hila ng kalabaw, pwedeng pwede umorder sa Jollibee drive-thru.

Iba’t ibang uri ng sasakyan ang dumaraan araw-araw sa mga drive-thru pero pinatunayan ng ilang magsasaka na “when there’s a will, there’s a way” matapos nilang gamitin ang kanilang mga kariton na karag-karag ng kalabaw para mag-order ng kanilang mga paboritong pagkain.

Sa isang video, naispatan ng isang customer ang dalawang magkasunod na kariton na nag-oorder sa Jollibee drive-thru. Ikinatuwa naman ito ng ibang netizens na nagsabi na wala naman sa uri ng sasakyan ang batayan ng pag-order ng pagkain sa kahit anong establisyimento.

Hindi man natukoy kung anong Jollibee branch ang nag-cater sa order, nakatanggap pa rin ito ng papuri sa mga customers dahil sa kanilang inclusivity.

Ang ilan naman sa mga netizens, sinabing wag daw hamakin ang kalabaw at mga magsasaka dahil napakamahal ng kalabaw sa probinsiya. Malamang din daw ay malaki ang ani ng mga magsasaka kaya’t nais nilang mag-celebrate.

“Nakaka tuwa na kahit mahirap ang buhay may paraan para maging masaya kung marunong tayong makuntento kung ano ang kaya at Meron tayo”

“Wag smolin ang kalabaw… Ang mahal niyan”

“Pwedi sila mag commercial ng ganyan..para masaya”

“San probinsya kaya ito nkakatuwa ganyan dpt walang discriminasyon sa pag da drive-tru”