Pwede na para sa di nakabili ng ticket! Mash up ng 2NE1 at Salbakuta, pinagtiyagaan ng BLACKJACKs

Nagkasya na lamang sa isang comedy performance ang mga nabigong makabili ng 2NE1 tickets para sa kanilang concert sa Maynila.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Yaman din lamang at may resurgence ang mga BLACKJACK fandom ng 2NE1 dahil sa kanilang reunion world tour, may ilang makukulit na content creators naman ang nakaisip ng paraan para bigyan ng sariling twist ang hit song na “I Am The Best.”

Sa isang comedy bar, ibinida ni Queen Pango 17 ang kanyang mashup ng 2NE1 song at ang kanta ng Salbakuta na “Stupid Love.”

Tuwang-tuwa ang mga clubgoers nang una nilang marinig ang hook ng “I Am the Best” pero natawa na lang sila nung bumanat na ang komedyante ng rap. Naaliw din naman sila at sinabayan din ang performer sa kanyang hugot rap pero maya-maya lang ay bumalik na naman ito sa lyrics ng 2NE1.

Sang-ayon naman ang mga fans na hindi nakabili ng ticket na pagkakasyahin na lang nila ang sarili sa mashup dahil hindi sila nakaabot sa OG.

“ganito na lang kapag walang ticket sa con. Hahaha”

“dri n lang wla kapalit ug ticket”