Pwede joiner? Mt. Kamuning at Mt. Shaw, mga sikat na peaks na tinatahak ng everyday ‘hikers’

Daig pa ng ordinaryong commuter ang mga batak na hiker dahil araw-araw silang nagsa-summit sa dalawang matatarik na MRT stations.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Hindi naman pala kailangan mag-out of town para sa mga magigiting na commuter sa Maynila dahil parang araw-araw na silang nagha-hiking sa pag-akyat at panaog sa matatarik na hagdan ng MRT.

Katunayan, isang miyembro ng Facebook group na Akyat Akyat ang gumawa ng poster ng dalawa sa pinakasikat na bundok sa Maynila, ang Mt. Shaw at Mt. Kamuning na matatagpuan sa Ortigas at Quezon City.

https://www.facebook.com/groups/1077760778991224?multi_permalinks=8537025159731378&hoisted_section_header_type=recently_seen

Biru-biruan sa mga commuter ang ehersisyong kanilang natatanggap mula sa dalawang estasyong ito na tunay namang nakakanginig ng tuhod lalo sa mga baguhan.

“Local po ng Mt. Shaw baka bet nyo po traverse natin yan labas Mt. Kamuning. First peak po cubao farmers hahaha libre na pag GF ang pick up”

“For beginner po ba yan hm pax?”

“The mother mountain of every pedestrian”