PVL superstars tinamaan na din ng BINI dance fever

Creamline Cool Smasher Jema Galanza, Cherry Tiggo Crossover Eya Laure humataw na din sa sikat na sayaw ng Filipino girl group BINI
Found this article interesting? Help others discover it too!

Hindi magpapahuli ang ilang players ng Premier Volleyball League (PVL) sa patok na dance craze ng sikat na P-pop girl group na BINI.

Sa isang Instagram post ng One Sports, makikita si Creamline Cool Smasher outside hitter Jema Galanza na humahataw sa sikat na BINI song na “Pantropiko.”

Kasama pa ni Jema sa pagsayaw habang nakapila sa warm up line sina Risa Sato at Kyla Atienza.

“BINI JEMA! The Creamline Cool Smashers’ main dancer Jema Galanza showed off her dance moves at the Big Dome to BINI’s Pantropiko and Salamin, Salamin ahead of their game,” sabi ng One Sports.

Sa hiwalay na post sa TikTok naman, nagpakitang gilas rin si Cherry Tiggo Crossover outside hitter Eya Laure sa pagsayaw ng “Salamin, Salamin,” ang isa pang hit song ng BINI.

Kasama sa video ang pamangkin na si Scarlet, na anak ni EJ Laure.

“As a backup dancer ni Iska,” sabi ni Eya.

@eyalaure

as a backup dancer ni iska 😹

♬ Salamin, Salamin – BINI

Sa huling tala, naka mahigit 72,000 na “likes” na ang video ni Eya at 11,800 naman ang pinusuan ang video nila Jema.