Pushing each other forward! Christophe Bariou, todo support kay Nadine Lustre sa fun run para sa mga hayop

Sabay na tumakbo ang mag-jowang Nadine Lustre at Christophe Bariou para sa animal advocacy.

Tuwang-tuwa ang mga netizens na makita ang internet’s president na si Nadine Lustre na sumama sa isang fun run sa Siargao para sa mga hayop.

Lumahok si Nadine at ang kanyang boyfriend na si Christophe Bariou sa Be PAWsitive Fun Run kung saan kinilig ang marami sa nakitang pagka-supportive ni Chris kay Nadz.

Bukod sa ternong shorts at sapatos ng mag-jowa, kitang-kita na nag-eenjoy ang dalawa sa kanilang ginagawa at may pagkakataong tinutulak paabente pa ni Chris si Nadine nang medyo napapagod na ito.

Marami namang nagpasalamat sa OP na si Xernan Aplaya Culango sa pagse-share ng mga larawan.