Para sa mga fur babies na itinuturing na star ng kanilang mga pamilya, likas talaga ang pakiramdam na dapat ay sa kanila ang atensyon ng kanilang fur mom at fur dads, kahit na dumarating na ang kanilang mga “kapatid” na babies.
Kaya naman ang pusang ito, feel na feel na sumalisi sa upuan ng kanyang baby sibling at laruin ang mga laruang nakasabit dito. Huli naman siya sa akto ng kanyang fur mom habang aliw na aliw sa kanyang naisipang gawin.
Marami ring mga cat lovers ang nag-agree na kakaibang saya din ang dulot ng pagkakaroon ng baby at pusa o aso sa bahay. Marami sa kanila ang nagbahagi ng magandang relasyon ng kanilang mga alaga sa kanilang mga anak.
“Cats are just babies who are litter trained”
“My kitty Einstein was the best baby product tester… gotta make sure baby will be safe to use it! My daughter is 6 now and they are still besties!”