Pinatunayan ng Wonder Dog na si Theo ang kanyang talino nang tila nakikipag usap ito sa kanyang furdad na si Romeo at tumatalima sa bawat request nito.
Sa video, makikita na para bang seryosong nag-uusap si Theo at ang kanyang amo dahil tila may nambibintang daw na kaya sinasaktan ng fur dad ang kanyang aso para ito “umiyak.”
Bilang sagot, nagpakitang gilas ang mag-ama sa panibagong video ng mala best actor na galing ni Theo na “umiiyak” sa bawat pagsabi ng cry. Bukod sa nagpapaawang “pag-iyak” may pahiga-higa pa ito na pang FAMAS ang datingan.
Marami naman ang natuwa sa mag-amo at nagbigay ng mga positive messages sa kanilang content.
“Ang galeng- galeng naman ni Theo!!!”
“Hahaha cute cute talaga”
“Ka galing umarte”
“Galing nmn…pag kinurot ang aso at nsaktan mangangagat yn.sadyang magaling lng xa at nkakaintindi s amo nya..”