Punong Marites! Miss Camiguin Island, nabasa ang winner ng Miss Universe Philippines bago pa ito banggitin

Humanga ang mga netizens sa talas ng mata ni Miss Camiguin Island, maging sa kanyang reaksiyon sa pagkapanalo ni Miss Bulacan.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kahit malayo ang distansiya kay Alden Richards na naging host ng Miss Universe Philippines pageant, natanaw pa din ni Miss Camiguin Island Rethiana Rosa  ang nakasulat sa envelope kaya’t agad niya itong ichinika sa kanyang mga katabing kandidata.

Sa isang video, makikitang binabanggit ni Rethiana kung ano ang laman ng sobre at tinatakpan ang bibig niya ng kanyang mga katabi.

Sa panayam ng PhilSTAR Life, sinabi niyang madali niyang natanaw ang laman ng envelope kahit may kalayuan sila sa kinatatayuan ni Alden.

Natuwa naman ang netizens sa kanyang naging reaksiyon dahil kitang-kita na kahit hindi siya ang nanalo ay excited na excited siya para kay Miss Bulacan.

“The girls in the background were just having fun.” “She is pretty too!!! I like how excited she was for the winner” “I love how she tried to remain poised kahit sobrang naexcite na go kween!!”