Para sa isang magulang, napakalaking bagay ang may maitabi para maipamana sa kanilang mga anak. Para sa dating Gwapings actor na si Eric Fructuso, malaking accomplishment para sa kanya ang maipamana ang kanyang paboritong kotse sa kanyang anak na ngayon ay may sarili na ding pamilya.
“Proudest moment in a father’s life… yung ipamana sa kanyang anak ang kanyang favorite car.
Very good condition yan anak. Alagang Trevjill Autohauz yan. Kasama ko sa hirap at ginhawa yan kotse na yan alam ng mga ibang tito mo yan kaya big deal sakin yan. Enjoy it with your family anak! Build new memories with it. Mahal na mahal ko kayo,” pag post ni Eric sa kanyang Instagram account.
Ani Eric, matagal niyang inalagaan ang kanyang sasakyan at marami siyang nabuong alaala kasama nito lalo na’t kasama niya ito sa mga panahong humaharap siya sa pagsubok.
Ngunit ngayon na ang kanyang pinakamamahal na anak ay mayroon na ding sariling pamilya, nais niya din itong magkaroon ng maraming alaala na kasama ang kanyang paboritong oto.
Sapamamagitan ng kotseng ito, nais ni Eric na ipabatid sa kanyang anak at apo kung gaano niya kamahal ang mga ito.
Matatandaang noong 2021, ipinanganak ang apo ni Eric sa kanyang panganay na anak na si Tres at sa manugang na si Anne Carlene.