Proud Tita Kim Chiu, nag-promise ng unwavering support sa ‘Sweet 16’ pamangkin na si Raine

Happy at proud ang Tita Kim Chiu sa paglaking mabait, repsonsable at maganda ng kanyang pamangkin na si Raine.

Times flies, kaya naman ang ultimate tita na si Kim Chiu super proud na “Sweet 16” na ang kanyang pamangkin na si Raine.

Sa kanyang post, ibinida ni Kim ang mga larawan nila ni Raine mula noong bata pa ito hanggang sa lumaki na ito at maging dalaga na. Siyempre, as the ever-supportive Tita, masayang-masaya ito at lumaking mabait at responsableng teenager ang baby ng kanilang pamilya.

“Always remember that I love you so much and I am so proud of what you have become and will be come in the future, we will always be here for you! ❤️😘 belated happy birthday dearest Rainey!🤎🤍🩶” aniya.