Proud si Bantay! Supportive na aso, sinamahan sa stage ang kanyang amo sa graduation nito

Bilib ang netizens sa pagiging close ng isang amo at kanyang alagang aso na sumama pa sa entablado para sa graduation ceremony.

Naantig ang mga netizens sa loyalty ng isang alagang aso ng isa sa mga graduates nang samahan pa niya ang kanyang amo paakyat ng stage sa araw ng kanyang pagtatapos.

Sa video, makikita ang bibong aso na sumasabay sa hakbang ng kanyang amo paakyat ng entablado. Makikitang tila aral din ang alaga kung saan dapat bumaba dahil nag-exit din ito sa center stage na para bang nag-rehearse din ito kasama ng mga nagtapos.

Marami ang humanga sa aso dahil sa kanyang talino at EQ pero marami din ang humanga sa amo dahil naniniwala ang karamihan na kaya napakabait ng aso ay dahil mahal na mahal ito ng kanyang amo.

(Ariel Hermosa Cabiles/FACEBOOK)

“Galing ni doggy napaka supportive”

“Wow napaka supportive naman”

“Ganyan sa province kasi ang bahay malapit lang sa school.”

“Naalala ko noon ang mga kapatid Kong lalaki page napasok nasama aso namin, kahit ikulong mo tatakas punta sya sa school.”

“Di naman nagagalit mga teachers dun.”

“Love it doggie very supportive ka talaga sa Owner mo doggie great job”

“Wow cute ni doggie galing nia alam talaga nia gradute amo nia”