Nagdiwang ang buong sambayanan nang makasungkit ng dalawang gold medal ang Pinoy gymnast na si Carlos Yulo sa 2024 Paris Olympics.
Kaya naman proud na proud ang dating teacher at coach ni Carlos noon na si Teacher Ezra Canlas sa Aurora A. Quezon Elementary School (AAQES) sa Maynila.
“As his coach and one of Caloy’s subject teachers in Grade 6, I could say he was an average student, but he is more inclined toward sports—gymnastics. Hilig at passion niya talaga ‘yan,” ayon kay Teacher Ezra.
Si Teacher Ezra ang isa sa mga unang nagsanay at nag-alaga sa kaniya bilang mag-aaral at atleta.
Inilarawan niya si Carlos bilang mabait at tahimik na bata. Inalaala rin niya ang mga araw na lumaban si Caloy sa Palarong Pambansa sa Zamboanga del Norte na kung saan ipinaglalaba pa niya ito ng uniporme, pinapainom ng vitamins, sinasamahan tuwing kumakain at sinisigurado niyang okay ang bata dahil may hika ito.
Batid ni Teacher Ezra na marami pang karangalan ang maiuuwi si Carlos sa bansa.
“Congratulations, Caloy! Proud na proud ako sa’yo! Nagbunga na ang mga paghihirap mo sa training. Sabi mo nga, “No pain, no gain!” Now you made it! Olympic gold medalist ka na, di lang isa kundi dalawa pa! Salamat sa karangalang binigay mo sa ating bansa. Your AAQES family is so proud and happy for your achievements!” pagbati ni Teacher Ezra.