Sobrang saya ni Rossana Leal, ang may-ari ng isang bag shop sa Marikina City, nang i-flex ni First Lady Liza Marcos ang kanilang produkto habang nasa Rome ito.
Sa panayam ng IBC 13, hindi maitago ni Rossana ang kanyang tuwa nang malaman niya na ang bag mula sa kanilang munting shop ang ginamit ng First Lady nang magpunta ito at ang Presidente sa Rome, Italy para sa libing ni Pope Francis.
“Tuwang-tuwa po kami na nagustuhan ni First Lady ang aming bag po. Kahit small manufacturer lang kami at simple lang bag namin, tuwang tuwa po kami,” ani Rosanna.
“Nagpapasalamat po kami na nadala pa niya sa Rome para ipromote ang aming gawang Marikina,” dagdag pa niya.
WATCH: Rosanna Leal, owner of a local bag shop in Marikina, expressed delight upon learning that First Lady Liza Araneta-Marcos used and showcased one of their products, a bag worth PHP300, during her recent trip to Rome, Italy.
"Masayang masaya po kami na nagustuhan ni First… pic.twitter.com/L2quAUEK2k
— Philippine News Agency (@pnagovph) April 30, 2025
Sa sobrang saya ni Rosanna, agad niyang pina-laminate ang screenshot ng Facebook post ni First Lady at dinisplay ito sa kanilang shop sa Marikina.
Sa sobrang tuwa ay pina-laminate agad ng local bag shop owner na si Rossana Leal ang screenshot ng Facebook post ni First Lady Liza Araneta-Marcos Jr. suot ang Marikina-made na bag na binili sa kanilang tindahan kamakailan.
[1/2] pic.twitter.com/DxUpIr4U9N
— IBC TV 13 (@ibcdigital13) April 30, 2025
Sa isang post ni First Lady, ipinagmalaki ng First Lady ang bag na nabili niya sa Marikina, na may halagang Php300, habang siya’y nagsa-sightseeing sa Rome niton nakaraang buwan.