Proud maging Pinoy! Vlogger na si Kulas, ibinida ang Gaddang traditional costume para sa prenup shoot

Hanggang sa kanyang pagpapakasal, proud ang Becoming Filipino vlogger na si Kulas na ipamalas ang ganda ng katutubong kultura.

Pinahanga ng naturalized Pinoy vlogger na si Kyle Jennermann ang kanyang mga followers dahil sa kanyang pagmamahal sa kulturang Pilipino hanggang sa kanyang pagpapakasal.

Sa kanyang prenup shoot kasama ang kanyang fiancé na si Therine, proud na nagsuot si Kulas ng native costume ng Gaddang, isang IP tribe mula sa Isabela.

Ipinamalas ni Kulas at ni Therine ang ganda ng katutubong costume habang sila ay nagpo-pose para sa kanilang prenuptial shoot at nagbahagi din sila ng ilang impormasyon tungkol sa mga katutubong naninirahan sa ilang bahagi ng Isabela, Quirino at Nueva Ecija.

Ani Kulas, proud siyang maipamalas ang kultura ng mga Gaddang at siniguro din niyang tama ang kanyang maibabahaging kaalaman sa kanyang mga followers tungkol sa mga katutubong ito sa pamamagitan ng pag-konsulta sa National Commission on Indigenous Peoples at sa Gaddang community bilang respeto sa kanilang kultura.

“To be honest, although well travelled, both of us had never heard of the ‘Gaddang.’ With 41.5% of the IP population of the Philippines living in Luzon, we were grateful to have the opportunity to learn a little about them. Expanding our knowledge and appreciation for the diversity of people here in the country we call home… fills us with happiness,” sabi ni Kulas.

“Wearing this stunning attire was something we are grateful for. Thank you to the NCIP and Gaddang community, whom we consulted for guidance and sensitivity,” dagdag pa niya.

Matatandaang si Kulas o Kyle ay isang Canadian na namiling manirahan sa Pilipinas upang ipakita sa mundo ang ganda ng bansa. Kamakailan lamang ay naging ganap na Pinoy siya sa pamamagitan ng naturalization.