Proud maging Badjao! Rita Gaviola hinangaan sa pagtugon sa basher

Walang dapat ikahiya sa pagiging Badjao or sa paghahanapbuhay ng marangal.

Hinangaan ng mga netizen ang naging tugon ni Rita Gaviola, aka Badjao Girl, sa ilang basher na nambastos sa kanya habang nag po-promote ng isang beauty product sa kanyang Facebook page.

Matatandaang kamakailan lamang ay nag post si Rita tungkol sa isang lip gloss sa kanyang Facebook page ngunit may ilang netizen ang naglagay ng hindi magagandang komento sa kanyang thread. Ilan sa mga ito ang nagsabi na bumalik na lang si Rita sa pamamalimos sa kalsada tulad ng bago siyang nadiskubre bilang artista.

Agad namang pumalag ang ilang supporter ni Rita na nagsabing walang dahilan para i-bash si Rita gayung naghahanapbuhay naman ito ng matino para sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng kanyang mga promo at live selling post.

“Kaya walang asenso ang ibang pjnoy dahil ingit sila sa kapawa nila tao maingit ka sa magandang bagay pra ikaw naman ang sunod umasenso sa buhay diba kaya Wag mo pansinin Rita ang mga basher mo mga ingt sila sa buhay minus 100 sila sa langit,” ani isang netizen.

“laban lang rita hayaan mo sila sa mga sinasabi nila basta alam mong nasa tama ka at lumalaban ng patas , may patutunguhan ka, di man ganon kabilis pero in gods time, nasa proseso niya yan,” dagdag ng isang supporter.

Sumagot na din si Rita sa patutsada tungkol sa pagiging Badjao at sinabi niyang proud siya na maging Badjao. Higit pa dito, sinabi din niya na proud siya na kinaya niyang pagtagumpayan ang mga karanasan na hindi kinakaya ng ibang tao.

“Dami tlga judgemental sa mundo,diba pwdeng mamuhay ngtahimik..nagtatrabaho ng marangal ang tao eh hay tuloy lang ano man ginagawa mu Rita pra sa pamilya muh wag pansinin mga mapanghusga lht tau my kanya knyang pinagdaraaanan sa buhay,” saad ng isa pang supporter.

“Wag mo nlng pansinin mga bashers mo tuloy lang nag buhay..”

“Tuloy mo lng ginagawa mo bstat wla ka ng naapa kang tao.”

“Good luck girl . Be proud always. Hayaan mo sila”