Proud kuya! ‘Team Payaman’ editor napagtapos ng pag-aaral ang bunsong kapatid sa kolehiyo

Natupad na ang pangarap ni Team Payaman editor Steve Wijayawickrama na makapagtapos sa kolehiyo ang kanyang baby sister na si Christine.

Masayang ibinahagi ni “Team Payaman” editor Steve Wijayawickrama ang isang video kung saan ipinakita niya ang pagtatapos ng kanyang bunsong kapatid na si Christine sa kolehiyo.

Tila naging epektibo ang pag-manifest ni Steve na linyang “Christine magiging doctor ka,” dahil ginamit niya ang Php1million premyo mula sa kanyang pagkapanao sa Team Payaman at Cong TV Fitness Challenge upang suportahan ang pag-aaral ni Christine.

Ngayon, sa capation niyang “Christine graduate ka na,” ipinakita ni Steve ang kanyang walang kapantay na pagmamahal bilang kuya na kayang gawin ang lahat para maibigay ang buhay na pinapangarap ng kanyang kapatid.

@stevewijayawickrama

Kristine graduate ka na &lt3

♬ original sound – Steve Wijayawickrama

Agad naman naantig ang puso ng mga netizens sa ginawa ni Steve:

“so sweet..she so lucky to have a brother like you☺️”

“aaah, what a selfless brother! congratulations po! just like my brother din! he shoulders everything for me. pag ako naman naging successful, babawi ako without hesitation. 🥺🤍”

“Uyyy naiyak ako bigla! Swerte ni Kristine may kuya siya na responsable. Ilan lang mga kuya na nagpapakakuya o ate. Congraaaats sa inyong magkapatid! 🎉”