Matapos mag-viral ang aktres na si Marian Rivera dahil sa nakakatawang eksena sa Century Tuna Superbods finals night, kung saan isa siya sa mga hurado, hindi naman nagdalawang-isip si Dingdong Dantes na ipakita sa madla kung gaano siya ka-proud sa kanyang wifey.
Sa isang appreciation post ng aktor sa Instagram, pinuri niya ang kanyang asawa sa kanyang natural na talento para mapasaya ang mga Pilipino.
“Hindi lang ang iyong panlabas na kagandahan ang nagningning kagabi, kundi pati na rin ang natural mong talento sa pagpapasaya at pagpukaw sa puso ng mga Pilipino. Isang masigabong palakpak sa iyo, Misis ko,” ani Dingdong.
May pahabol pa siyang mensahe sa kanyang post: “P.S. ‘Di kailangang i-translate sa Ingles, gets niyo na ‘to.”
Ang tinutukoy ni Dingdong ay ang pag-translate ni Marian sa English ng kanyang Tagalog question sa Q&A portion ng Century Tuna Superbods finals night nitong Hulyo 9 bilang request ng isa sa mga kalahok ng kompetisyon.
Game naman ang aktres at pinaunlakan ang contestant. Sinabi pa niya na “I will try my best.”
Inulan naman ng puso ang appreciation post ni Dingdong para sa kanyang maybahay.
May hirit naman si Marian sa post ng kanyang hubby sa comment section: “Love you mahal ko. Sa susunod ikaw na tatawagan ko para mag translate! 😝”
https://www.instagram.com/p/C9PfxtUS3C2/?utm_source=ig_web_copy_link&igsh=MzRlODBiNWFlZA==