Hindi lang ang Grade 6 student na si Ashley ang proud graduate ngayong taon, pati ang alaga niyang si Tiny, all-out rin sa suporta.
Viral ngayon sa TikTok ang aspin mula sa Lazi, Siquijor na sumama pa sa kanyang batang amo sa mismong araw ng graduation nito.
Sa video na in-upload ni netizen @jocii05, makikitang nag-aabang din si Tiny kasama si Ashley at ang kanyang nanay sa paanan ng stage para tawagin sa entablado at tanggapin ang diploma at medalya mula sa Po-o Elementary School.
Todo escort ang alagang aso habang paakyat sa entablado ang mag-ina na akala mo’y siya rin ay makikisabit ng medalya at makiki-photo op.
Grumadweyt with honors si Ashley noong April 16, pero si Tiny ang literal na scene-stealer sa araw na iyon.
@jocii05 iba talaga kapag naaalagaan nang maayos ang aso. love and support na ibinibigay nila pabalik. TINY , ang suportadong aso nang Siquijor HAHAHAHA #dogs #funny #aspin #supportivedog ♬ original sound – juicy glow
Tuwang-tuwa ang netizens sa video at hindi napigilang mapansin kung gaano kamahal ng pamilya si Tiny, kaya ganun na lang din ang pagiging attached ng aso sa kanila.
“hahahahaha kala mo siya nagpa-aral e”
“Proud yung dog sa amo nya kya umakyat din sya stage”
“cute ni doggie.halatang love sya Ng owner ksi isinama pa nila.”
“Witness siya sa hardwork ni bb girl ❤️🥰”
“proud c doggie 🥰🥰🥰”
Sa follow-up post ni @jocii05, makikitang ready na rin umuwi si Tiny at sumampa agad sa sasakyan nang marinig na tapos na ang graduation.
@jocii05 after graduation ceremony, uwian na. congratulations Ashley❤️ Thank you TINY (dog) sa support.. #graduationday #dogs #aspin #supportivedog #funny #funnydogs ♬ original sound – juicy glow