Proud Bisdak! Pinay chef sa US, pasok sa listahan ng ‘Best New Chefs’ ng Food & Wine Magazine

Pinatunayan ni Chef Nikki Cabrera Mills ang kagalingan ng mga Pinoy na magluto saan man sila naroon sa mundo.

Proud moment na naman para sa mga Pinoy ang pagkakasali ng isang bisdak chef mula sa Pilipinas sa listahan ng Best New Chefs of 2024 ng sikat na Food & Wine Magazine.

Napabilang si Nicole “Nikki” Cabrera Mills sa Meet The 2024 Class of F&W Best New Chefs, isang special edition ng magazine na nagtatampok sa 14 na rising chefs mula sa pitong restaurants sa Estados Unidos.

Si Nikki ay isa sa mga pambatong chefs ng Peche Restaurant sa New Orleans kaya’t proud na proud din sa kanya ang kanyang mga kasamahan.

Sa kanyang bio, proud si Nikki sa kanyang Pinoy heritage dahil ibinida niya ang pagiging Pinoy born and raised mula sa Cagayan bago siya nag-migrate at nagtungong New York at ngayon ay nakalipat na sa New Orleans para lumikha ng pangalan sa larangan ng F&B industry.

View this post on Instagram

A post shared by PecheNOLA (@pechenola)