Proposal ng isang pulis sa kanyang jowang kadete, viral dahil sa isang epic wrong girl moment

Muntik nang mauwi sa massive fail ang wedding proposal ng isang pulis sa Maguindanao del Norte dahil sa kanyang blooper.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Nag-viral ngayon sa social media ang isang wedding proposal sa Maguindanao del Norte at hindi dahil sobrang romantic ito, kundi dahil sa major wrong girl moment.

Sa video na in-upload ni LoveLove Dimacompas Abad-Mangelen sa Facebook, makikita ang isang pulis na nakaluhod sa likod ng isang babaeng kadete para mag-propose. Ang problema, hindi pala ito ang kanyang jowa.

“Yung nag propose ka pero sa maling babae ka nakaluhod. Na wow mali si Sir,” kwento ni LoveLove sa kanyang caption.

Buti na lang, agad siyang tinuro ng mga kadete sa tamang babae. Sa kabila ng blooper moment na ito, nakuha pa din naman ng pulis ang matamis na “oo” ng kanyang kasintahan kaya naman masigabong palakpakan ang hatid ng lahat ng kadete.

“Congrats sa inyo. Alhamdulillah it’s a YES!” sabi ni LoveLove. ###