‘Proof of life’ post ni Jennica Garcia pinawi ang kaba ng mga fans sa mala-obit na layout ng isang Sagala announcement

Buhay na buhay si Jennica Garcia sa kanyang Reyna Emperatriz peg.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Para hindi na kabahan ang mga fans ni Jennica Garcia dahil sa mala-obituary na pubmat ng isang Sagala sa Bulacan, naglabas ng “proof of life” ang aktres para ipakita na talagang sa Santa Cruzan ang kanyang ganap at hindi sa langit.

Sa Instagram post, makikita ang kanyang picture na glowing bilang Reyna Emperatriz sa ginanap na Sagala ng Our Lady of Mary Mediatrix of All Grace Chapel sa Bocaue, Bulacan.

“Sabi naman po sa inyo, Sagala eh. 🕊️#ProofOfLife” ang caption ni Jennica sa post.

Nakahinga naman ng maluwag ang mga fans na unang kinabahan dahil sa pagkakalatag ng announcement:

“Haha! Grabe naman kasing layout yun.”

ito nlng po post mo wag n ung una hehe napadouble check ako…i thought 😁

“Mabuti naman at sagala talaga itu kinabahan eh”

“Hahaha ung #proofoflife tlga nag dala”

Sa isa pang Instagram post, sinabi ni Jennica na ineexpect na niya ang reaction ng mga netizens sa Facebook pero nagulat anya siya sa mga comments sa TikTok at Instagram.

“Akala nila sumalangit na ako,” ani Jennica sabay tawa. Dagdag pa niya, naisip na rin daw niya agad yung mga naisip ng mga nakakita sa announcement. “Nandoon pa naman sa picture si Mama Mary,” anya.

“Pero wag niyo na idamay yung nag-edit dahil yung nag-edit nagtatrabaho lang… wag na kayo magsisi ng ibang tao,” patawang sabi pa niya sa kanyang mga fans.