Professional passenger! Cute na Shiba Inu, masayang kasama sa daan ng  kanyang siklistang furdad

Expert na sa pagiging pasahero ang isang aso kahit pa bisikleta lang ang gamit ng kanyang furdad sa pagbiyahe.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Isang cute na Shiba Inu na kasama ng isang siklista ang nagmistulang mascot ng ibang bikers at motorista dahil sa kanyang pagiging chill habang nakakabit sa isang wearable pet carrier.

Sa post ng Apne_Streetdog Instagram page ay makikitang enjoy na enjoy ang cute na aso habang pinapanuod ang kanyang kapaligiran habang nakasabit na parang backpack sa likod ng kanyang bossing.

Maamo din ang aso at kahit ilang beses siyang hinawakan ng katabing siklista ay nanatili itong kalma at masaya.

“U r so lucky baby n 🙌”

“That boy is so happy look at his smile ❤️”

“Spreading happiness 😍”

“So beautiful dog👏”