Hinangaan ng mga fans ang kasipagan ng young star na si Belle Mariano na kamakailan lamang ay luimipad patungong Italy kasama ang iba pang ABS-CBN stars para sa trabaho.
Paano nga namang hindi pupurihin ang aktres? Pinagbigyan nito ang mga fans na nagpapa-picture sa kanya, at nalaman pa ng mga ito na habang bumabiyahe sa tren sa Italya ay nag de-defend ito ng kanyang thesis.
Sa larawang ibinahagi ng fan page ng Bubble Mom, makikitang nakangiting nakipag selfie si Belle sa uploader na si Edith Farinas habang nakabukas ang laptop sa kanyang harapan.
Ayon sa mga fans, napakagandang halimbawa ni Belle na kahit sobrang busy sa pagkayod ay hindi kinakalimutan ang kanyang responsibilidad sa kanyang pag-aaral.