Hindi lang pala sa lovelife nararanasan ang princess treatment, minsan ito’y nararamdaman rin bilang pasahero ng isang motorcycle taxi.
Sa isang TikTok video na kinagigiliwan ngayon, ipinakita ng pasaherong si Jezel kung paanong maingat na sinuutan siya ng shoe cover ng kanyang Angkas rider para hindi mabasa ang kanyang heels sa ulan.
Kinaaliwan ito ng uploader kaya ang kanyang caption ay may halong kilig at katatawanan: “Kuya, what are we? Eme! HAHAHAHAHA.”
@jzlsdn 😂 #fyp #fypシ #fypシ゚viral #joyride ♬ RomCom – Rob Deniel
Marami naman ang naka-relate na mga Angkas passengers sa extra effort ni kuya rider at nag-share ng kanilang experience:
“pag mag susuot ng helmet. ‘maam, lapit ka dito para maisuot natin ng maayos’ kakainis. tapos pag papsuutin ka ng kapote “maam, kailangan to para hindi ka mabasa. ayusin mo pag suot’ GRABE ANG BASIC HUMAN DECENCY FALL NA AGAD ANG HORT Q”
“Ambait naman nito. pls all mag tip po kayo lalo pag maulan🥺”
“Bakit ang sarap sa feeling ng princess treatment nila😭”
“Ate baka naman mainlove ka kay kuya ha”
Kudos kay kuya driver, kumpleto sa gamit para sa customer 🫡
“JUSKO ACTS OF SERVICE PA NAMAN LOVE LANGUAGE KO 🤣🤣🤣”