Kung kadalasan puro kalokohan at kakatawanan ang mga post ng Klasik Titos and Titas of Manila page sa Facebook, sa kanilang huling post ay bato na lang ang hindi tatablahan. Tungkol ito sa isang sharing ng work-from-home na empleyado kung gaano siya ka-thankful sa efforts ng kanyang mama.
Ani ng OP, kamakailan lang ay na-realize niya na ang pagiging successful niya bilang work-from-home employee ay dahil sa kanyang mama. Mula sa umaga sa paghahanda ng kanyang gamit para hindi siya ma-late sa meeting, paghahanda ng kanyang almusal, merienda, pananghalian at hapunan, pati na ang mga maliliit na bagay na kadalasan ay nate-take for granted ng karamihan.
Dagdag pa ng OP, kung hindi ginagawa ng kanyang mama ng mga ito ay marami pa sana siyang oras na uubusin sa mga ito imbes na matuon sa trabaho nang matapos ng maaga.
“Salamat ng marami mama. Next year, mapopromote tayo ulit,” pangako niya.
Marami namang netizens ang naantig sa post na ito:
“I never had this kind of mom but I have a chance to be this kind of mom to my daughter”
“’Yan ung mga bagay na nakaka-missed kapag kasama mo pa ung Mama mo….. Kaya pahalagahan n’yo cla kung kasama n’yo pa cla….. Magbigay kau palagi ng time at mag-bonding kau kaysa mag-cellphone….. Promise, ipagpapasalamat n’yo un, someday….”
“To be loved unconditionally by a mother. I miss my mama so much! Salute sa mama mo tiya!”