Prayer time ng isang pamilya na nauwi sa power nap ng kanilang tuta, kinaaliwan sa TikTok

Humihiling man ng chimken o simpleng inaantok, kinaaliwan ng mga netizens ang tutang nakatulog habang nagdarasal ang kanyang paw-mily
Found this article interesting? Help others discover it too!

Imbes na “amen,” antok ang inabot ng isang tuta habang isinabay ito sa taimtim na pagdarasal ng kanyang buong pamilya.

Sa nakakaaliw na TikTok video na ibinahgi ni Lysha Grace Cirunay (@yccheee ), makikita ang isang cute na family moment kung saan kasama nila sa prayer circule ang kanilang alagang aso.

Sa umpisa, mukhang game na game ang tuta, nakapakit at kalmado lang. Pero habang tumatagal ang dasal, unti-unti na itong dinadalaw ng antok.

Nag-zoom in ang video sa tuta at makikitang pilit pang dumidilat nito hanggang sa tuluyan nang nagpaubaya na sa antok sa gitna ng pagdadasal.

@yccheee pumikit lang nung una eh, natuloy-tuloy naman na HAHAHAH #doglover #fyp #puppiesoftiktok ♬ original sound – itzzz me_yesah – 👻

Dahil dito, hindi napigilan ng netizens na maaliw at magbiro kung ano raw ang dasal ng sleepy doggo bago siya nakatulog:

‘“Papa Jesus, gusto ko po marami… 😴😴😴”’

“🐶: papa Jesus sana po…whdhxhsh….😴”

‘“Lord, gusto ko po maraming chicken at dog food”’

“ang cuteee nakakainesssss 😭😭😭😭😭😭”