Napakagaling ng mga Pilipino sa kantahan at maging sa mga simpleng katuwaang videoke ay magugulat ka na lang na meron palang mala-Morisette Amon na bokalista sa inyong handaan. Pero sa pagkakataong ito, bukod sa power ni Ateng singer, ang apat na LGBT backup singers ang umagaw ng pansin ng lahat.
Nangyari ang nakakatuwang pangyayari matapos ang event ng Halad Alagad sa Toledo City. Para mag-celebrate para sa naging successful na event, nagkasiyahan ang mga staff kaya’t nag-setup na ang banda para sa kasiyahan.
Isang magaling na singer ang bumirit ng makaputol-litid na “Long Distance Love Affair” ni Sheena Easton na talaga namang nagpabilib sa netizens dahil sa kanyang walang hirap na pag-areglo sa kanta.
Siyempre moral support naman ang mga backup vocalists na beki with matching twist at turn mala runway pa bago sabay-sabay na humitirt ng “Woooaaaahh.”
Kasalukuyang umabot na sa 1.1 milyon ang nakakapanuod ng video na inuopload sa TikTok ni razzy.22 at inulan din ito ng mga positive comments.
“I swear the Philippines is so camp I love it 😂😂”
“suma-sideline little mix ngayon ah”
“woah Ate’s voice is 🙌🏼”
“I want to go to the Philippines just to meet people like this lol”
“galing ng mga back up singers ni ate ah”
“Backup dancer + Backup singer😂😂😂😂😂👌”
“ANG POWER NUNG NAKANTAAAAA HAHAHAHA saya saya ng mga beks”
“HAHAHA payter kayg backup singer Team Alagad oy 😆”
@razzy.22 🤣🤣🤣 #funny #funnyvideos #fyp #viraltiktok #foryou #foryourpage ♬ original sound – RazZy Razz