Pinabilib na naman ni John Prats ang kanyang mga tagahanga dahil may panibago na naman siyang skill na na unlock habang nag-di-direct ng concert tour.
Mula sa pagiging dating child star hanggang sa maging isang director, ipinakita ni John na hindi pa rin siya tumitigil sa pagtuklas at mag-evolve sa kanyang artistic journey.
Ngayon naman, ibinahagi niya na siya na din ang tumayong lighting director ng isang out-of-town concert na kanyang idinirek dahil kapag nasa tour ay medyo mas kulang sa tao kaya’t dapat maging flexible.
“Pag nasa tour, dapat all-around, kulang sa resources kaya diskarte ang labanan. Pero sobrang saya pala magbuhos ng emosyon sa ilaw at magpinta ng eksena sa stage,” aniya.
Nagpasalamat din siya sa kanyang tech team sa pag-alalay sa kanya habang kinakapa niya pa ang aspeto ng lighting.
Bumilib naman ang kanyang mga fans sa pagiging open ni John sa iba’t ibang mga challenges.
“Napakahusay Direk, enjoyed the NY tour! Sa uulitin!”
“Glad to have a ‘hand shake’ with you when you guys performed in Houston!! You did a spectacular job Mr. Prats♥️”