Power couple Kianna Dy at Dwight Ramos nagpakilig sa sweet birthday exchange sa TikTok

Kilig vibes ang hatid ng TikTok upload ng professional volleyball player na si Kim Kianna Dy kasama ang kanyang boyfie at birthday boy na si Dwight Ramos.

Nagpakilig online ang magkasintahang Kianny Dy (KKD) at basketball player Dwight Ramos sa isang birthday exchange sa TikTok.

Sa video upload ng volleyball star, makikitang tinanong niya ang kanyang boyfriend na si Dwight kung ano ang birthday wish nito. Sagot ng basketbolista, “it’s been granted,” kaya’t agad namang sumingit si Kianna at nagtanong, “your watch?”

Ngumiti si si Dwight at sinabing “you,” dahilan para tuluyang kiligin ang girlfriend.

@kiannady_

Dwight’s 27th Birthday 🎉🎁 | NEW VLOG link in bio!

♬ original sound – Kianna Dy

Hindi rin nakaligtas sa mata ng netizens ang kanilang sweetness, kaya’t bumuhos ang mga nakaktuwang komento:

“’it’s been granted nye nye nye’”

“oh bat ka naka ngiti kasali kaba?”

“magka mukha na sila😩😩”

“balik na lang tayo sa sayaw sayaw ma, wala kaming laban dyan”

“‘it’s been granted’ THE MAN U ARE DWIGHT RAMOS”