Hindi man tatakbong mayor, pero kahit saan magpunta ay may kakilala ang isang ama sa isang TikTok video na kinaaliwan ng netizens.
Marami sa viewers ang naka-relate sa POV video ni @seasaltcrmliadrs kung saan spotted ang kanyang tatay na biglang may kausap na naman sa isang lugar na kanilang pinuntahan.
@seasaltcrmliadrs sya po yung naka salamin 🥹 #fypシ゚viral ♬ Otso Otso – Bayani Agbayani
Dahil sa nakatutuwang tagpo, naalala na lang ng mga netizens ang kani-kanilang mga ama na mabilis ding makipagpalagayan ng loob sa mga nakikilala nito.
“Same sa Papa ko. Tapos malalaman mo di naman pala talaga niya kakilala.. kakwentuhan lang that time. 🤣🤣”
“Ganito problema ko sa Father ko kahit saan may kausap kala mo tatakbo ng Mayor😭 tapos late kami palage.”
Ang iba naman ay nahanapan ng lalim at aral ang content tungkol sa halaga ng personal na pakikipag-usap sa kapwa.
“Something we should learn from older generation. We are too invested focusing on devices rather than meeting up new people to talk in real life not online.”