Portal yarnnn? Netizens, tawang-tawa sa ulan na may kinikilingan

Daming tawa ng netizens sa kakaibang ulan na tila namimili ng babasain.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Umuulan ba diyan? Karaniwan naman na hindi sabay-sabay ang lugar na inuulan pero kakaiba ang naging karanasan ng mga netizens nang isang patsi lang ng kalsadang kanilang daraanan ang inuulan habang ang tirik na tirik ang araw sa buong paligid.

Sa isang post ni Papa Caloy na umani na ng halos isang milyong views, aliw na aliw ang mga netizens habang pinapanuod ang ilang motorista na kailangan dumaan sa isang patsi ng maulang kalsada kahit tuyong-tuyo ang malaking bahagi nito.

Ipinakita din ni Papa Caloy ang isang shot ng langit kung saan isang maliit na ulap ang naglalabas ng ulan habang chill lang ang mga pumapalibot dito.

Kanya kanyang teorya naman ang mga makukulit na netizens:

“May umiihing kapre diyan”

“nabutas po yong bahigi ng shield ng ibang dimension kaya nakalabas yong ulan sa earth.”

“Pati ulan choosy ng place”

“Portal yan”