PORDEE Love! Mga Pinoy, todo ship kay Michelle Dee at Miss Thailand Anntonia Porsild dahil sa umaatikabong chemistry

Maraming nagsimulang mag ship kina Michelle Dee at Anntonia Porsild matapos mapanuod ang kanilang chemistry.

Marami ngayon ang kinikilig at nag si-ship kay Miss Philippines Michelle Dee at sa kanyang pageant bestie na si Miss Thailand Anntonia Porsild.


Kung inakala ng marami na may gap ang dalawa dahil sa maling pagkakalagay ng pangalan ni Michelle sa pubmat na naunang ipinalabas ng social media site ng Miss Universe El Salvador at napalitan siya sa Top 5 ni Anntonia, napakalayo nito sa katotohanan dahil sobra ang bonding ng dalawa.

Katunayan ay nag-live broadcast pa sila mula sa kanilang hotel room habang nagtatanggal ng make up matapos ang pageant.

Obserbasyon ng mga miron, may something daw sa chemistry ng dalawa at todo suporta naman sila kung magkakaron ng higit sa friendship si Michelle at Anntonia. Katunayan, nakabuo na sila ng kanilang sariling hashtag sa loob ng maikling pagkakataon na nagkakilala sila sa El Salvador bilang #PORDEE

Matatandaang nauna nang umamin si Michelle na isa siyang miyembro ng LGBT community bilang bisexual.

Kaya’t todo abang din ang shippers sa dalawa.

Katunayan, hindi lang mga regular na pageant fans ang kinikilig kundi maging mga kapwa beauty queens tulad ni Miss Universe Pia Wurtzbach.

Yun lang at baka ma-hopia ang mga shippers dahil may jowa daw si Anntonia sa ngayon. Pero wala namang masama kung mag-ship ng friendship diba?