#PorDee fans, masaya sa pakikisalamuha kay Anne Porsild sa kanyang Philippine visit

PorDee fans, hindi malilimutan ang pagdating ni Anne Porsild sa Pilipinas

Hindi magkamayaw ang saya ng #PorDeeFamily o mga fans nina Michelle Dee at Anntonia Porsild sa pagbisita dito ni Miss Thailand 2023.

Paano ba naman, bukod sa maraming pagkakataon para makasalamuha ang kanilang idolo ay busog na busog din sila sa content kung saan makikita ang closeness ng kanilang PorDee idols.

Tuwang tuwa ang fans sa mga videos nina Anntonia at Michelle na magkasama.

Masaya din ang fans na sumunod at naghintay kay Anntonia dahil napagbigyan silang makakwentuhan at makilala ang mabait na Thai beauty queen.

Sa muling pagbabalik, Anne!