Poging barista, to go please: Starbucks customer sa Pampanga, nag-viral sa kakaibang drive-thru order

Ikinatuwa ng netizens ang hirit na drive-thru order ng isang Starbucks customer sa Mabalacat, Pampanga.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Nagpasaya online ang naging isang trip ng Starbucks customer dahil sa kanyang iconic na order na hindi lang basta kape.

Sa viral TikTok video ng customer na si @icedcaramel.mac, mapapanood siyang nag-oorder ng Iced Caramel Macchiato sa drive-thru ng isang Starbucks branch sa Pampanga. Pero ang sumunod niyang order ang naging patok sa netizens: isang poging barista!

Sumagot naman ang crew sa speaker box at nagtanong para i-double check ang kanyang orders, kaya pabirong sagot ni ate: “Sana po available.”

Ang hindi niya inasahan ay literal na a-appear sa camera ang baristang kausap niya, na ayon sa ilang netizens ay si Jean Bondoc, at swak sa description niyang “poging barista.”

Napatawa na lang si ate customer na may halong kilog, habang naghiyawan rin ang mga kasama niya sa kotse.

Bitin na bitin naman ang mga netizens sa video clip kaya ang iba ay humihingi ng Part 2 sa comment section:

“ATEEEE ANY UPDATE???? WHAHHAHAHAHAH”

“HAHAHAHAHAHHA KILIG SI ATE WLA BANG PART 2?😭”

“Maka order nga din ng isang poging barista 🤣”

“Kaya ba iyellow basket yung poging barista te? 😂

“Kinilig siya! Kinilig siya! Ate koooo sana natanong mo na name HAHAHAHAHAHAHA”

“Yan ang customer service hahaha”

“today starbucks you lost a loyal customer, bakit hindi ganyan experience ko sa Starbucks!”

“PART 2 HOY NAKAKA MATAY NA KILIG PANG 1 HOUR YUNG VIDEO HAHAHAHAHAHAHAHAHA”

@icedcaramel.mac

Kuya naman!! HAHAHAHAHAHAHA

♬ original sound – EJAYMAYGUEVARRA ¹⁷_¹⁹ – Ejaymay pelen caamud 🫶🥵